Hindi kumportable ang pakiramdam ko habang nakatingin kay Mr. Velasco. Hindi ko rin naman magawang alisin ang paningin ko sa kanya. "Allow me to formally introduce myself and my kids to you," wika pa nito habang nakatayo malapit sa akin. "I am Mario Velasco." Inilihad niya ang kanyang kamay. Atubili ko iyong kinuha. "This is Terrence Velasco." Pakilala niya kay Terrence. "And this is Doreen Velasco." Ngumiti sa akin si Doreen. Tumayo rin ako at ipinakilala ang sarili sa kanila kahit na mukhang kilala naman na nila ako. Hindi ko alam kung anu-ano ang pag-uusapan namin at kung papaano ito tatakbo. Nakakaramdam rin ako ng guilt kapag sumasagi sa isip ko sina mommy at daddy. Pakiramdam ko ay tinatraydor ko sila sa mga sandaling ito. Muli akong pinaupo ni Mr. Velasco. Umupo na rin siya sa up