Maingay ang mga pinsan at kaibigan ko dito sa cafeteria. Pinag-uusapan nila ang bakasyon, pero hindi ako nakikisali sa usapan. Wala naman akong balak pumunta sa kung saan lalo na ngayon. Sigurado rin na walang magaganap na out of town sa pamilya namin dahil sa kalagayan ni Qino. I excused myself when I heard my cell phone ringing. I took it out of my skirt uniform's pocket and looked at it. I slightly frowned when I saw Dwight's name -- my cousin on mother's side. I mean, Qino and Dom's cousin on Mom's side. "Hello?" May pag-aalangan kong sabi nang sagutin ko ang tawag. Nagtungo ako sa may gilid ng cafeteria. "Hey, Aisla! Where are you?" He asked. Bahagya akong napanguso sa sobrang pagtataka sa kung bakit 'to biglang napatawag. We are not that close to each other. We talk, yes, but rar