Anika Pagpasok pa lang namin ni Zeke sa loob ng building, ramdam ko na agad ang mga matang nakasunod sa amin. Halos lahat ng staff na madadaanan namin ay napapahinto at napapatingin. Yung iba, napapangiti. Hindi naman halatang nagpapa-cute sila sa asawa mo. Yung iba naman ay hakata sa mga mukhang nagtataka. "Good morning, Mr. Achille!” bati ng ilang empleyado na agad ding lumingon sa akin. Nagawa pa akong suyurin ng tingin. Medyo nailang ako pero dahil nandito naman ang asawa ko, naging confident ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa elevator. Hinawakan bigla ni Zeke ang kamay ko bago kami tuluyang pumasok sa loob. Dalawa lamang kami kaya malaya niyang hawakan ang kamay ko. Saglit lamang iyon dahil bumukas rin naman kaagad ito. Kaagad na binitawan ni Ze