Anika's POV Naunang pumasok si Daddy kaya sumunod naman kaming dalawa ni Zeke. Hapit pa nga niya ang bewang ko habang pumapasok kami sa loob. Humiwalay naman siya sa akin ng tuluyan na kaming makapasok. Bigla niyang tinanggal ang mga brasong nakapulupot sa aking bewang ng tuluyan na kaming makapasok sa loob. Napansin ko naman na ang sama ng tingin ni Daddy kay Zeke habang si Mommy naman ay nakangiti. "Basang-basa ang asawa mo, Anika." komento ni Mommy. "Pahiramin mo muna ng damit si Zeke, hon." dagdag pa ni Mommy. Hindi naaalis ang pagkunot ng noo ni Daddy. "Daddy, pupunta na po muna kami sa kwarto. Kailangan po kasi magbihis ni Zeke." paalam ko kay Daddy. Gusto ko lang talagang alisin ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Hindi kasi nagsasalita si Daddy habang si Zeke ay ganoon d