Anika Umalis na si Zeke, naiwan naman akong may sama ng loob. Naiwan akong nakaupo dito sa couch. Niyakap ko na lang ng mahigpit ang throw pillow. Walang yakap at walang kiss mula kay Zeke ng umalis siya kanina. Dahil nandiyan ang secretary niya, para lang akong hangin kanina na hindi niya nakikita. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang pag-alis ni Zeke o ang paraan ng pagtrato niya sakin kanina. Hindi niya ako ipinakilala bilang asawa niya sa kaniyang secretary. Ganito pala ang feeling ng tinatago. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko Pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha. Pero sa huli, bumigay din ito. Dumaloy ito mula sa aking mga mata. Tahimik akong napaiyak habang yakap ang throw pillow. Wala akong cellphone kaya hindi ko rin matatawagan si Zeke. Hindi ko maririnig ang b