Anika Napagpasyahan namin ni Zeke na ipa-check up ako ngayon kaya hindi muna siya pumasok ng office. Sinamahan niya muna ako sa hospital. Excited akong umalis ng bahay ngunit ngayong nandito na kami sa tapat ng hospital ay para bang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Magkahawak ang kamay naming pumasok sa hospital. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang palad ko. Siguro nga dahil sa kaba at excitement na rin. First time kong magpa-check bilang buntis, at hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti o matakot. "Excuse me,” tanong ni Zeke sa nurse na nasa information desk. “Maari ba namin malaman kung saan banda ang OB-GYNE department?" Matagal bago nakasagot ang nurse. Napansin kong napatitig pa ito ng ilang segundo sa asawa ko. "Miss?" untag ko. Napakurap ito kasabay ng pagngiti at