Anika's POV Sa wakas! Fresh na rin ako. Ibinalot ko ng tuwalya ang aking hubad na katawan bago lumabas ng banyo. Paglabas na paglabas ko ay hindi ko inaasahan ang taong masisilayan ko. Pareho kaming nagulat. Dahil sa paggalaw ko ay bigla na lamang nahulog ang tuwalyang nakatapis sa katawan ko. Halos mapasigaw ako kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Kitang-kita ko ang ilang beses na paglunok ni Uncle Zeke. Kaagad ko naman pinulot any tuwalya sa sahig at muling ibinalot sa aking katawan. "U-Uncle Zeke, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" "Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko, Anika?" pabalik niyang tanong sa akin. "Huh? Anong sinasabi mo? Kwarto ko kaya 'to." "Ah—huh?" para bang nabalisa si Uncle Zeke. Ngayon ko lamang ito nakitan