Anika's POV "Gusto mo bang matuto mag-drive?” bigla na lang tanong ni Zeke habang nagmamaneho siya. Napakurap ako. "Hindi ako marunong niyan. Baka mabangga pa tayo." ingos ko. “Exactly. Kaya nga tuturuan kita.” Sagot naman niya. “Eh paano kung—” Hindi pa ako tapos magsalita nang bigla siyang tumingin sa akin. "Trust me, Anika. Magaling akong magturo." dagdag pa niya. Bigla niyang inihinto ang kotse. "Come on, baby." "Huh? Anong gagawin ko?" naguluhan tuloy ako. "Lumabas ka muna para lumipat dito." utos niya. Nagdadalawang-isip pa ako kung lalabas ba ako para lumipat doon sa kaniya. "Anika..." "Ah s-sige...lilipat na." para akong nataranta na lumabas sa kotse. Umikot ako at nagtungo sa driver seat. Akala ko pa naman lalabas siya dahil magpapalit kami ngunit nagulat na lama