Anika's POV "Nababaliw ka na ba?" Napakurap ako ng biglang magsalita sa likuran ko si Mila. Nandito kami ngayon sa canteen. Sa labas ng university. Hindi ko na kasi afford pa ang price ng pagkain sa cafeteria kaya niyaya ko na lang si Mila dito sa canteen. Mas mura at masarap din naman. "Kanina ka pa nakangiti diyan. Wala namang nakakatawa pero ang laki ng ngiti mo. Lagpas tenga na oh?" puna ni Mila. Oo nga, kanina pa ako nakangiti dahil nga sa nangyari kanina sa kwarto. Bago pa man ako makapasok ay talagang sinulit pa ni Zeke ang ilang minuto namin dalawa. "Ilang araw kang absent tapos papasok kang baliw. Ano ba talagang nangyayari, Anika? Hindi ka rin sumipot sa napag-usapan natin. Nalilito na ako sa 'yo ah?" "Wala. Sadyang hindi lang ako pinayagan nila Mommy na sumama sa 'yo