Anika "Aray!” Napaigtad ako nang tamaan ng matalim na piraso ng basag na pinggan ang kamay ko. Sinubukan ko kasi an pulutin ito. Dumaloy ang dugo kaya kaagad kong pinisil ang sugat. "Anika, hindi mo na kailangan pulutin pa ang mga 'yan." biglang sermon ni Zoren sa akin. Tiningnan niya ulit ang kamay ko. "Nasugatan ka pa tuloy." hinipan niya ito. "Zoren...okay lang ako." Napatitig siya sa akin. "Hindi ako naniniwala. Halika, gagamutin natin 'yan." Hindi na ako nakapagsalita pa nang hilahin niya ako palabas ng kusina. Napansin ko pa ang mas lalong pagkunot ng noo ni Tita Diana nang daanan namin ito "Hindi mo kailangan gamutin ang sugat ng babaeng 'yan, Zoren." pigil ni Tita Diana. "Mom." natigilan si Zoren. "Ikaw ang dahilan kung bakit nasugatan si Anika. Kung hindi mo siya pina