Anika's POV Pagdating namin sa hospital kaagad naman sinuri si baby Allen. Hindi naman ako mapakali sa kinatatayuan ko. Naghalo ang kaba at takot na nararamdaman ko. "Anak, umupo ka muna." paanyaya ni Mommy na nakaupo na ngayon. "Hindi ako mapakali, Mom hanggat hindi ko nalalamang okay na ang anak ko." "Naiintindihan kita, anak. Pero sa ginagawa mo baka kung mapaano ka diyan. Relax mo ang sarili mo. Hintayin na lang natin ang sasabihin ng doctor." Huminga akong malalim tsaka umupo sa tabi ni Mommy. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ito hinaplos. "Magiging maayos din ang kalagayan ni baby Allen anak." "Sana nga po, mommy. Baby pa siya para maramdaman niya ang sakit." Maya maya ay lumabas ang Doctor. "Mrs. Achille?" tawag nito kaya kaagad akong tumayo. “Dok, kumusta po si

