Anika's POV Nagbibihis na ako ng muli na naman mag-ring ang aking phone. Mabilis pa sa alas kuwatro akong tumakbo para lang sagutin ito. Wala akong pakialam kahit nahulog na ang bra kong hindi man lang kumapit. Inaasahan kong si uncle Zeke ito ngunit nabigo ako. Si Mila pala, ang bestfriend ko. Walang gana kong sinagot ang tawag ng bestfriend ko. Na-dissapoint lang ako dahil akala ko tatawagan ulit ako ng asawa ko. "Mila..." sagot ko. "Napatawag ka?" "Itatanong ko sana kung natuloy kayo sa London. Wala na kasi akong balita sa 'yo ilang araw na wala kang paramdam." "Pasensya na. Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw." "Natuloy ba kayo sa London?" "Hindi bakit?" "Tanong ng tanong sa akin si Professor. Tinatanong niya kung nasaan ka na. Kung gusto mo pa raw bumalik sa pag-a