Sinulog Kahit sa trabaho ngayong bisperas ay hindi mawaglit sa isipan ko ang tattoo ni Faustino na nakita ko. At kung bakit siya nagpatattoo dahil may peklat iyon? Dahil hinabol niya ang bus na sinasakyan ko? Para saan? Para magalit ng lubos sa akin? Nakabili na ako kahapon ng cellphone. Maaga ang aming out ngayon dahil nga bisperas. Maraming nagpupunasan ng oling sa labas kaya ayokong lumabas o kahit man lang kumain sa Gaisano. "Hay! Ang saya nila! Mamaya,gagala ako kasama ko mga taga sa amin! Ikaw?" Tanong ni Marga. Umiling ako. "Uuwi ako diretso. Wala naman akong kasama e." Kinalabit niya ako. "Ba't di ka sumama sa amin? Kahit noon ba hindi ka talaga nagsisinulog? Masaya kaya!" "Nagsisinulog naman kaso sandali lang!" "Naku! You missed the fun! Alam mo ba may artista! Lalo