Iphone Tinulungan ako ng driver ni nanay para maipasok ko siya sa bahay. Malalim na ang gabi nang makarating kami. Naglinis ako ng katawan pagkatapos kong ilapag si nanay sa kanyang kama. Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay tinabihan ko si Ginger. Napanguso ako nang mapagmasdan ang kanyang mukha. Ang ganda niya. Parang 'yung mga bata na napanood ko sa mga Italian movies sa sinehan sa Kabankalan. Parang girl version ni Faustino. "Hayy..." napapikit ako at napasapo sa noo. "Ano nalang gagawin ko kung makita siya ng ama niya? Hindi puwede.." hirap na hirap kong sabi. Huling araw ko na dito. Hindi ko maiwasan ang hindi maging emosyonal. Dahil sa alam ni nanay na doon ako nagtatrabaho sa hotel nila Faustino mas lalong naging matibay ang desisyon niyang hindi ipadala sa akin si G