Nanay Parang hindi ako makatitig habang papalapit ako. Ramdam ko ang lamig ng hangin ng pang gabi. Dahil sa kakataranta ko sa presensya ni Faustino ay ang ballpen ko na pilit konh sinisiksik sa aking bag ay nahulog mismo sa harapan ni Faustino. Dahil nga sa isang linya lang nakaparking ang sasakyan nilang dalawa. Pinulot iyon ni Faustino at ibinigay sa akin. Binuksan niya ang kanyang pintuan. Nilagay ko naman sa aking bag ang ballpen. "Uh, thanks," tipid akong ngumiti at nilagpasan siya bago tumungo kay Austin na seryosong nakatingin sa amin. Naramdaman ko ang pagkaalarma ni Faustino.Pumasok ako sa nakabukas na pintuan ng sasakyan ni Austin tsaka binalikan ng tingin si Faustino. Unti unti nitong sinarado ang pintuan ng kanyang Mustang habang nakatingin parin sa sasakyan ni Austin.