(WARNING: SLIGHT MATURE CONTENT! NIT SUITABLE FOR 17UNDER) Tahimik ang byahe namin hanggang sa nakarating kami sa isang resort sa Batangas. Agad akong kinain ng pagkamangha nang nakababa ako ng sasakyan. Mula sa aking pwesto ay tanaw ko ang malawak at napakakulay na dagat. Marahas man na humahampas ang alon sa dalampasigan ay hindi nawala ang kapayapaan sa paggalaw niyon. Beautiful. For some reason, I felt peace. “Do you like it?” he asked from behind. “Yes,” pag-amin ko. Magmumukha akong sinungaling kung itatanggi ko iyon. Kasabay nang malakas na pagsimoy ng hangin ay idinipa ko ang aking mga braso. Pumikit ako at dinama ang lamig na dulot niyon. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong punta sa ganitong lugar. My whole life in America revolved with Erom and work. Kung