White walls welcomed my eyes when I slowly opened it. Tahimik kong inilibot ang paningin ko. Katulad ng dati, natutulog si Mommy sa tabi ko habang hawak ang aking kamay. Samantalang tulala naman si Andrei na nakatingin sa kisame habang nakasalampak sa sahig. Kung may lamang pa sa salitang miserable ay iyon ang itsura niya ngayon. Dahan-dahang napunta sa akin ang kaniyang paningin. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa gulat, pero napalitan din agad iyon ng ibang emosyon. Lungkot, pagkaawa, pagsisisi, at pagdadalamhati. Unti-unti akong pumikit at marahan na hinawakan ang tiyan ko dahilan para magising si mommy. Nanatili ang katahimikan sa amin, walang naglakas-loob na magsalita. Naghihintay sa kung anumang gagawin ko. “Did I... lose them?” I barely managed to say and slowly opened