“Taray, magtutukaan na lang kayo sa kumpanya pa,” sabi ng kaibigan ko habang naglalakad kami papasok sa kainan. Siniringan ko naman siya kahit sa loob-loob ko ay naroon ang namumuo kong hiya. Nagpaparke si Andrei ng sasakyan kaya pinauna na niya kami sa loob. “Masarap ba? Masarap?” natatawang kutya sa `kin ni Ayesha. “Reservation for Mr. Villa Cruz,” pormal kong saad sa staff na sumalubong sa amin. Agad niya naman kaming inihatid sa p’westo namin. “Tingin ko, may mali,” seryosong sambit ni Ayesha pagkaupong-pagkaupo niya. I rolled my eyes. “Ano na naman `yang iniisip mo?” Hinawakan niya ang kanyang labi at umaktong nag-iisip. “You said, magfa-file siya ng annulment, right?” she asked, raising her eyebrows at me. Awtomatikong kumalat ang pait sa dibdib ko. “Yes.” “Kung gano’