CHAPTER 30 "GUILT" Naalimpungatan ako nang maramdaman ang bigat sa kamay ko kaya nang itaas ko ito ay napansin kong may nakasaksak na IV sa kamay ko. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang bigat ng ulo ko. Aalis na sana ako ng kama nang mapansin pa ang isang pamilyar na taong natutulog sa tabi ko. Biglang nanlaki ang mata ko nang ma-realize na si Noah ang nandito. Mahimbing itong natutulog habang nakasubsob ang ulo nito sa tabi ko. Nakasuot pa rin ito ng pamasok at tila nagusot na ito dahil sa pwesto niya ngayon. Right, I fainted. Pero ano ginagawa niya dito? Hahawiin ko sana ang buhok nito nang bigla itong gumalaw. Bigla naman akong nataranta nang bumangon ito kaya napaayos ako ng pagkahiga. Mabilis itong tumayo nang makita ako at tila bakas sa mukha nito ang buong pag-aalala.