NOAH"S POV I was living in a cloud nine. Habang dumadaan ang araw ay hindi ko mapigilan ang sarili ko mapamahal lalo kay Claudia. Wala rin naman akong balak pigilan sarili ko dahil desidido ako sa kaniya. Hindi ko na nakikita sarili ko sa iba kung 'di sa kaniya lang. Mahal na mahal ko talaga siya. Sa maliit na bagay na ginagawa niya para saakin, hindi niya alam na malaking bagay 'yon para saakin. Sa mga bawat pagbili niya ng damit saakin, pagluto ng pagkain. Pagtanong kung maayos lang ba ako at sa mga oras na nilalaan niya...unti-unti ay nagkakaroon ako ng kumpyansa na ibalik sa kaniya ng doble lahat ng effort na binibigay niya saakin. Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko maalis ang atensyon ko sa kaniya. Maging ang ngiti ko ay kontrolado niya na dahil hindi ito bumabagsak pag siya an