CHAPTER 38 "HIS PAIN" NOAH'S POV "...It's very common for people who just had blood transfusion. But I suggest that she should rest." Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Claudia nang maipaliwanag saakin ng doctor ang nangyari. "Thank you, doc." Pasalamat ko at tumango ito bago lumabas. Nang maiwan kami sa kwarto ay mariin akong napapikit at naluha na lamang dahil sa nangyari. Habang natutulog siya kanina ay nakita kong tumatawag sa kaniya si Callia kaya sinagot ko 'yon. Nakumpirma ko na may masamang nangyari sa isa nilang kaibigan. Hindi ko alam na may pinagdadaanan siya. Kasalanan ko 'to. Nagkapatong-patong na ang mga kasalanan ko sa kaniya. Pinabayaan ko siyang harapin ang lahat ng mag-isa. Tuluyan kong sinira ang pangako ko kay tito Manuelo na kahit ano mangyari, po-protek