CHAPTER 24 "LAST, DESPAIR" "Dada..hindi...biro lang 'to 'di ba? S-sabi mo ihahatid mo ko sa altar...s-sabi mo mabubuhay ka...b-bakit ganito...bakit ngayon pa?" Inaalog ko ang balikat ni dad at nag ba-baka sakaling mabubuhay pa siya. Nang makarating kami ni Kuya Earl ay tumambad saamin si Dad na nakabalot ng tela. Noong una ay ayoko pa maniwala pero nang makita ko ito ay bumuhos ang luha ko. Mahigpit akong napahawak sa tela at unting-unti napaluhod sa sobrang panghihina. Napahagulgol ako nang malakas at tila naninikip ang dibdib ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Bakit ganito?...Bakit ganito dumadating saakin? Bakit parang iniiwan ako ng lahat? Bakit maraming nawawala sa buhay ko? Anong nagawa ko para maransan 'to? "Dad!" Buong lakas kong sinigaw lahat ng lakas ko. Bakit ka nawal