CHAPTER 32 "GLIMPSE" Kinabukasan, nagising ako na may maaliwalas na pakiramdam. Tila parang hindi ako nanggaling sa sakit kaya napagdesisyonan ko na lamang pumasok. Marami akong nakaabang na trabaho na kailangang tapusin. Ngayon din ang araw na iiwan saakin ang mga bata. 7:30 pa lang ng umaga ay nakahanda na ako at nakaayos. Mas maaga ako papasok para kahit papaano ay mas marami akong matapos. Dahil Biyernes ngayon, nasa office policy namin ang 3:00 ng uwi bilang konsiderasyon sa mga empleyado namin na malayo ang iba-byahe para makapiling ang pamilya nila sa dalawang araw na walang pasok. Pag Lunes naman ay 10:30 ang pasok para magkaroon ng sapat na oras ang mga empleyado namin, kahit kami, na makapag-byahe. Gusto lang namin alagaan sila dahil sila din naman ang dahilan kung bakit napa