CHAPTER 34 "CROSSING THE LINE" "Tangina naman, Noah! Bakit ka ba nagkakaganito?!" I'm so done to him! The night is still young and I want to have some fun! Pero 'eto siya hinatak ako pauwi! Hindi niya ba naiisip na ngayon na lang kami nagkita ng mga kaibigan ko?! Pero hindi 'yon eh! Wala siyang karapatang hatakin ako nang basta-basta dahil tapos na ang namamagitan saamin. He's just my ex! Wala na siyang value sa buhay ko! We're done! Kaya kahit sinong lalaki makahalikan o makalandian ko, wala na siya doon! "Luc is an asshole," Sambit niya. Nasa labas kami ng kotse niya ngayon at kasalukuyang nasa labas ng condo namin. Nakasapo ako ngayon sa noo ko habang palakad-lakad. I can't believe what just happened. Muntikan na rin siya mag-cause ng gulo. Paano na lang kung nagkagulo sila doon?