CHAPTER 35 "ANOTHER EX" "Alam mo ang lakas ng topak mo eh 'no?" Kasalukuyan kaming nandito sa opisina ko dahil nang matapos ang meeting ay nahatak nila Kuya Carl si Noah para samahan ang mga ito sa kasunod na meeting. Hindi ko alam kung para saan 'yon pero sa buong meeting namin ay hindi maalis sa mukha ni Noah ang pagkaasar kay Magnus. "What?" Takang tanong niya na tila inosente sa nangyayari. "Is it bad to say hi now?" Mas namuo ang inis ko nang dahil sa sinabi niya. This man is full of shits! Mahilig siya makipaglaro sa apoy. He likes to play a good cop/bad cop kaya hindi ko alam bakit naging kami ng 2 years. He's the perfect example of a living sarcasm. "Don't play dumb, Magnus! You're aware that Noah was my ex!" I yelled in frustrations but he just scoffed and smiled playfully.