CHAPTER 40 "CHOICES" CLAUDIA'S POV ""Tell me everything...handa na ako." Napahinga nang malalim si Noah nang sabihin ko 'yon. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko na lumabas dahil sa totoo lang, pagod na ako. Pagod na akong matakot sa katotohanan. Ramdam ko na may pagsisisihan ako pero mas gugustuhin ko nang maramdaman 'yon, kaysa nakatali pa rin ako sa nakaraan. Hindi 'yon ang gusto ko saamin ni Noah...hindi ko gusto na sa pangalawang pagkakataon na binigay namin, nakatali pa rin kami sa sakit ng nakaraan. Alam ko sa sarili ko na kahit kailan, hindi ako magiging handa. Kahit kailan...hindi ko mapaghahandaan ang mga problema na darating saamin. Masyado na rin akong naawa kay Noah. Nakikit ko sa kaniya ang kagustuhan na sumulong at iwan ang nakaraan. At 'yon ang gusto ko makamit sa sari