Hindi ko alam ang isasagot ko kay Mommy. Hindi ako sigurado kung buntis na ba si Kara o sadyang dala lang ito ng sama ng kanyang pakiramdam. "Bakit hindi ka makasagot, anak? Buntis na ba ang nobya mo kaya siya naduduwal?" naiinip na tanong ni Mommy habang nakatanga sa mukha ko. Si Daddy ay tahimik lang na nakatingin sa amin ngunit bakas sa mukha niya ang saya at excitement. Excited na itong magkaapo alam ko kaya mukhang naghihintay din siya ng balita mula sa akin. "M-Mom, hindi ko rin po alam," ani ko kay Mommy. "I am not sure about that, tingnan na lang po natin mamaya kapag nakausap ko si Kara. Maiwan ko lang po muna kayo at susundan ko siya sa kusina." Hindi ko na hinintay si Mommy na sumagot. Dali-dali kong pinuntahan si Kara sa kusina na nakita kong nakayuko sa lababo at panay an