"Napakabata pa pala ng nobya mo, Percy. Hindi ka ba natatakot na iwan ka niya isang araw dahil nakatagpo siya ng mas mas bata sa iyo." Nilingon ko si Mommy na tumigil sa pagdidilig ng kanyang mga alagang halaman at namaywang sa harapan ko. Marahil, noon pa niya itong gustong tanungin sa akin. Hindi lang siya nagkaroon ng pagkakataon nang nakaraan dahil ngayon na lang ako dumalaw sa kanila ni Daddy. Weekends na lang ako naglalagi rito dahil tuwing weekdays ay sa condo ako para mas malapit sa school at sa trabaho ko. Halos isang linggo na rin ang nakalipas nang ipakilala ko si Kara sa kanila, mukhang ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na itanong ito sa akin. Tumigil ako sa pagtitipa ng lesson plan sa laptop ko at binigay ko ang atensyon ko kay Mommy. "Hindi po, Mommy. Hindi nama