May hang over pa ako sa ginawang pag-amin ni Sir Arcel sa akin kahapon. Hindi ako makapaniwala na pihikan siyang tao at hanggang ngayon ay hindi pa nagkaka-girlfriend. Now I know kung bakit siya pinag-iisipan na bakla ng ibang estudyante na nag-aaral sa Stallion University. Hindi nila alam na pihikan si Sir Arcel at mailap sa babae. Hindi rin sapat na rason na pag-isipan nila na bakla si Sir Arcel dahil hindi ito napatol sa mga estudyante. He just respects his students. Hindi naman magandang tingnan na ikaw na nagtuturo ay papatol sa iyong tinuturuan. Iniwan niya ako pagkatapos na maging okay na ako kahapon. Ako na ang nagtaboy sa kanya dahil nahihiya ako na manatili pa siya rito at alagaan ako. Malaking istorbo na sa kanya ang pananatili niya rito sa condo ko kahit na pa siya ang dahila