Panay ang tungga ko sa alak na sine-serve sa akin ng bar tender. Nakakalimang shots na ako at nararamdaman ko na ang unti-unting pagtama ng alak sa sistema ko. Sabi ko nang nakaraan na pupunta ako ng bar, pero dahil sa pagiging busy ko palagi sa lesson plan, inabot ng dalawang linggo bago ako nakapasok dito. "Hoh!" mahina kong sigaw pagkatapos kong ilapag ang wala ng lamang shotting glass. Nahilo ako bigla. Letse! Hilo na ako agad nito? Iba talaga ang pakiramdam kapag ilang linggong walang alak ang katawan. Tinamaan na nga yata ako! Pinilig ko ang aking ulo para pawiin ang hilo. Nagsubo ako ng lemon at ninamnam ang asim nito sa aking dila. Fuck! Ang pait naman! Nabitiwan ko tuloy ang lemon at ang asin naman ang inilagay ko sa aking bibig. Medyo umayos ang lasa ng lemon sa bibig ko.