Pagbalik ko sa inuupuan ko ay hindi pa tapos ang pagsasayaw ni Sir Thompson at ng ex-fiancee niya. Malungkot na nakatanaw ako sa kanila habang matamis ang ngiti ng babae sa aking asawa. Masayang-masaya ito habang kasayaw ang asawa ko samantalang ako naman ay hindi mapakali na nakatitig sa kanila. Nakakadama ako ng munting kirot dito sa puso ko dahil sa nakikita kong ngiti ng ex-fiancee niya habang nakapulupot ang mga braso nito sa leeg niya. Alam kong wala lang iyon para sa asawa ko dahil alam kong ako lang ang mahal niya. Pero iba pala ang pakiramdam kapag nakikita ko ang asawa ko sa bisig ng iba. Nauunawaan ko na ang nararamdaman niya kapag lunalapit sa amin si Red at nagpapahiwatig ng kanyang nadarama. Parang ganito sa nararamdaman ko kahit wala naman silang ginagawang masama. "They