Chapter 132: Mabango at masarap.

1761 Words

"Hindi ko alam kung kanino mo namana ang utak mo, Zaria! Matalino naman kami pareho ng Daddy mo pero bakit ikaw, puro na lang pasang-awa ang mga grado mo! Dapat yata sa iyo ay binabawasan ng allowance at bawal muna ang gadget para magtanda ka at mag-aral ng mabuti!" Narinig kong sigaw ni Malaya. Papasok pa lang ako ng kabahayan ngunit heto na kaagad ang bumungad sa akin pag-uwi ko. Pagod pa naman ako sa trabaho at gusto ko sana ay tahimik na paligid. Subalit hindi ko yata mapapatigil ang bunganga ni Malaya dahil alam kong hindi siya titigil kakasalita hanggang hindi niya nailalabas ang inis niya sa aming anak. Hindi ko rin kasi maintindihan itong si Zaria. Hindi man lang namana ang utak naming mag-asawa. Average lang ang talino niya at gaya nga ng sabi ni Malaya ay puro pasang-awa ang g

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD