"Ilang beses ko ng pinagsasabihan 'yang anak mo, Clark. Hindi naman nakikinig, bakit kasi in-spoiled mo? Tingnan mo tuloy lumalaking pasaway," nagagalit na sabi sa akin ni Krissha habang nakatingin kay Kara na nakayuko ang ulo habang pinaglalaruan ang strap ng bag niya. Nagsumbong na naman kasi ang professor nito sa History na nag-cutting class ito at nakita na kasama ang mga kaibigan na nag-iinuman sa isang panig ng eskwelahan. Hindi ito ang unang beses na ginawa ito ni Kara, pangalawa na ito. Pinagsabihan namin siya ni Krissha noong una, na huwag siyang makipagbarkada sa mga pasaway niyang kaklase. Umoo ang anak namin, akala namin sumunod sa payo namin. Pero heto nga, naulit muli at mukhang tama nga si Krissha, na-spoil ko ang panganay namin masyado kaya lumalaki ng pasaway. Alam ko m