Tatlong araw lang akong nanatili sa ospital pagkatapos no'n ay inuwi na ako nina Daddy at Mommy sa bahay. Hindi ako iniwan ni Percy ng mga panahong iyon at siya ang todo ang alaga sa akin. Nagpapasalamat ng marami sina Daddy at Mommy sa kanya dahil nakikita nila kung gaano ako kamahal at kahalaga sa kanya. Pati ang mga magulang niya ay dumalaw din sa akin sa ospital noong ikalawang araw ng pananatili ko roon. Galit din ang dalawang matanda sa ginawa nila sa akin dahil muntik ng mapahamak ang soon-to-be apo nila. Pinu-push nga ni Percy ang pagsasampa ng kaso kina Ivy at sa iba ko pang kaklase na involve sa pamamahiya sa akin. Hinayaan ko siyang gawin niya iyon dahil may karapatan naman siyang magsampa ng kaso lalo na at muntik na kaming mapahamak ng anak niya. Wala silang ligtas sa galit