Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng mga estudyante ko. Wala na kasi silang ginawa kundi magdaldalan at magtilian habang nakatitig sa akin dito sa harapan. Babae lang naman ang maingay, ang mga lalaki ay naririndi sa kanilang mga boses at pilit sinasaway ang mga 'to. "Class…may I have your attention, please," wika ko sa pormal na tono. Madadama sa boses ko ang diin at lamig ng bawat salita ko. I saw everybody stiffened, especially those girls who were screaming and talking about me. Maybe they realized that I am a strict teacher. Na hindi pwede sa akin ang ginagawa nila dahil hindi ko sila pagbibigyan. Gusto kong maisip nila ito para hindi sila magulo sa klase ko at mahihiya silang magpakita ng pagkagusto o kung ano pa man sa akin. "Kapag narito kayo sa loob ng klase ko, listen to m