Tahimik lang ako habang papunta kami ng university ni Krissha. Hindi rin siya nagsasalita at mukhang may sarili lang din siyang iniisip. I was thinking about Margarette. Napakakapal ng mukha niya para puntahan niya ako sa bahay ko at pagbantaan na sisirain niya ang relasyon namin ni Krissha. Did she think I would allow it? Mahal na mahal ko si Krissha para hayaan ko lang na masira ng kung sino man ang relasyon naming dalawa. Hindi pa lang nagsisimula ang relasyon namin ay may nais ng sumira. Una si Mommy, akala ko tatanggapin niya si Krissha for the sake of my happiness. Ngayon naman si Margarette. Bakit ba niya ipinagduduldulan ang sarili sa akin. Sinabi ko naman na sa kanya noon pa na pagtingin bilang kaibigan lang at kapatid ang damdamin ko para sa kanya. Hindi na lalampas ito sa rom