"Bakit? Akala ko ba ay manliligaw ako sa iyo? Bakit pinapatigil mo ako sa panghaharana ko?" tanong ko kay Zaria pagkatapos niya akong babain dito sa tapat ng kaniyang kwarto. Kasama niya kaninang sumilip ang Daddy at Mommy niya na manghang-mangha habang nakatingin sa akin. Parang kinikilig pa nga si Miss Malaya sa pagkanta ko dahil kitang-kita ko kung paano niya kurutin si Prof. Arcel sa kaniyang braso. Parang siya ang kinikilig para sa anak niyang si Zaria. "K-kasi—nakakahiya sa iyo. Hindi naman ganito ang ibig kong sabihin. Sabi ko formal courting. Hindi sinaunang panliligaw na kailangan mo pa akong haranain at iparinig sa buong mansion ang ganda ng boses mo," sagot ni Zaria na hindi alam kung paano ako titingnan sa aking mukha. Kitang-kita ko na namumula ang kaniyang mukha sa hiya at