Nawala ang galit na nadarama ko para kay Krissha nang makita ko siyang bakas sa luha ang kanyang pisngi habang mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Kahit tulog siya ay kitang-kita ko na may dinaramdam siya sa kanyang puso. I know it's me. Iniwan ko siya sa school dahil galit ako, nainis ako dahil sa aking nasaksihan. I can do better than that. Mas bongga pa nga kung tutuusin ang gagawin ko dahil gusto kong malaman ng lahat na asawa ko si Krissha.Kaya ko 'tong ipagsigawan sa buong school kagaya ng ginawa ng lalaking 'yon na masugid na nanliligaw sa kanya. Iniisip ko lang ang kasunduan naming dalawa, kaya naman kahit na galit na galit ako kanina ay nakuha ko pang magtimpi upang hindi lumantad ang lihim naming dalawa. Binalikan ko siya sa school nang mahimasmasan ako. Hindi naman ako