Sinisipat ko ang braso kong natalsikan ng mantika. Napangiwi ako nang makita kong maga na ito at malamang lolobo na ang parte ng natalsikan ng mantika maya-maya. Hindi sapat ang ointment na pinahid ni Percy para hindi ito mamaga. Nangalumbaba ako sa may bintana habang pinagmamasdan ang papaalis na kotse ni Percy. He's going to work and I'm gonna miss him. Ganito ang routine ko araw-araw simula ng tumira ako sa kanya. Nabo-boring na nga ako rito sa condo niya dahil nakakasawa rin naman manood ng telebisyon maghapon. Kaya naman ang ginagawa ko ay natutulog na lang ako o kaya naman ay nakikipagkwentuhan sa mga katulong. Sabi naman niya pwede akong mamasyal sa bahay nina Daddy at Mommy kapag na-miss ko sila. O kaya naman ay magpasama ako sa isang katulong na mag-shopping o kaya naman ay ku