Chapter 44: Mga 'di inaasahang bisita (Krissha)

1758 Words

Malungkot na umuwi ako ng bahay namin ni Clark nang mag-isa. Hapong-hapo na naupo ako sa sofa sa salas habang iniisip kung ano ang kanyang ginagawa. Wala pa siyang text sa akin, kaninang tanghali ang last at medyo nagtatampo na ako dahil alas-singko na ay 'di pa niya ako naalalang i-text o kaya naman ay tawagan man lang. I understand if he's busy with his seminar. Siguro, tatawag lang din siya mamaya kapag hindi na siya busy. Hindi ako matitiis ng lalaking 'yon dahil alam ko kung gaano na niya ako nami-miss ngayon. Katulad ng nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Nilabas ko ang cellphone ko saka nagtipa ng mensahe para sa kanya. Namimis na kita. Tawagan mo naman ako mamaya, kapag hindi ka busy, oh. Ito ang mensahe na in-text ko kay Clark. Mababasa naman niya ito mamaya kaya umaasa ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD