"Ma…how's Malaya?" I asked my mother immediately when I saw her sitting on the sofa. Kararating ko lang galing ng Stallion University at diretso agad ako ng uwi just to know Malaya's condition. Nagmamadali pa ako kanina dahil hindi ko na kasi matawagan si Mama. Pauwi na ako tapos wala pang signal sa daraanan ko. Gusto ko sanang kumustahin ang pakiramdam ni Malaya dahil nag-aalala ako sa kundisyon niya. Tapos baka inatake pa siya ng morning sickness niya kaya nadagdagan ang pag-aalala ko. Hindi pa naman ako nakatawag kanina dahil naging abala na ako sa meeting at mag-a-alas dose na ako nakalabas ng conference room. Masakit ang gitna niya alam ko. Kahit gusto ko man manatili sa tabi niya para alagaan siya ay hindi ko naman magawa dahil ako ang speaker ng meeting kanina. Pinakiusapan ko na l