Nakasimangot si Arcel habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Katabi niya ako rito sa front seat at kanina pa siya panay ang buntong-hininga na tila animo'y kinakalma ang kanyang sarili? Problema niya? Pumasok na nga ako sa klase niya bakit nakasimangot pa siya? Sumabay pa nga ako sa kanya sa pag-uwi, bakit sira pa ang mood niya? Ayos na nga ang lahat sa amin. Nabuko na niya ang kalagayan ko at mga pagsisinungaling na ginawa ko. Hindi pa nga lang iyong tungkol sa pananakot ni Elvira. Hindi ko na lang 'to pinoproblema ngayon dahil wala ng magagawa si Elvira para takutin pa niya ako. Nakapagdesisyon akong huwag ng magpaapekto sa pananakot niyang wala ng saysay. Ako ang gusto at mahal ni Arcel, wala siyang magagawa sa parte na 'to kundi ang maglupasay na lang. Hindi niya magagamit sa amin a