“Hello.Miss Winter” Pa cute siyang tumingin kay Winter pero inirapan lang siya nito. “Hi.” Jah said that na ikinairita niya, pero ngumiti na lang din siya dito kahit gustong gusto niya ng sumimangot. Habang kumakain sila panay ang tanong ni Sophia sa mag boyfriend. Nalaman niya mula sa usapan ng mga ito na matagal na palang magkakilala ang dalawa. Since HS pa daw. Highschool sweetheart kung baga. Pagkatapos bago ang graduation ng dalawa sa college ay sinagot na ito ni Winter. She rolled her eyes from the gushing tone she heard from Sophia. Parang iniinggit lang siya nito. Akala niya pa naman kakampi niya ito. She glared at Sophia pero pigil na pigil lang nito ang ngiting pilit na sumusungaw sa labi nito. She pierces the steak she was eating with her fork. Naiirita