Naipilig ni Carrie ang ulo, pero sinundan na lang din niya si Winter papasok sa kwarto nito. Her heartbeat started beating fast dahil solo silang dalawa sa kwarto nito. In the same bed! Noon naman ay halos maging allergic ito kahit sa presensiya niya lang. Anong nangyayari? “Umupo ka dito Carrie.” Winter tapped the center of the bed kung nasaan ay nakaupo na din ito. Carrie stopped when she was at the foot of the bed. Tumingin muna siya sa upuan na nasa side table bago tumingin ulit kay Winter. “Pwede bang dito na lang ako maupo?” Baka kasi may lagnat lang ito kaya ganito sa kanya ngayong araw. Nakita niya ang pag sama ng tingin nito sa kanya. “Sinabi ko bang diyan ka maupo? Dito ka.” Muli nitong tinap ang sentro ng kama. May pag aalinlangan man ay naupo siya sa edge