"Jah!"
Agad na tumayo si Winter para salubungin ang lalakeng iyon.
She balled her hands in a fist. Tila di siya makahinga habang nakatingin sa dalawa. Kaya ibinaling na lang niya sa ibang deriksiyon ang mga mata niya, pero wala naman siyang choice. Naririnig niya ang hagikgik at tawanan ng dalawa sa harap niya.
Nagkunwari siya tumitingin sa relo niya. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatitig sa dalawang kamay ng relo. Mag aalas siyete pa lang ng gabi, pero bakit feeling niya ang tagal naman ata?
"Really? You'll stay here? "
Nag sisimula na siyang mairita. Winter's voice is gushing. Like she was melting from knowing that---that guy is going to be here for Carrie doesn’t know how long. Napairap siya ng lihim. Kung napupunta nga lang siguro ang mata sa likod ng talukap niya kanina pa iyon napunta doon sa sobrang irap.
"Yes." Hinapit nung lalake yung bewang ni Winter para yakapin ito.
Gosh. How long will she have to sit here? Listening to them talk like they are the only one in this room? Umiwas na lang siya ng tingin sa mga ito. Kunwari ay tuwang tuwa siya sa mga wall flowers na naka display sa loob ng bahay. She even touched one of it to divert her attention.
Andito lang naman siya para kunin ang documents na pinapadaanan ng matandang Mckinley.
"Carrie...."
Agad siyang tumayo ng makita ang matandang Don na lumapit sa kanya. Hawak hawak nito ang ilang papeles at dokumento. Nakangiti ito.
Inabot niya iyon dito. Saka ito inalalayang maupo. Iniiwasan niyang tingnan ang dalawang tao na mukhang may mga sarili nang mundo.
Automatikong ngumiti siya sa matandang Mckinley. Hindi naman niya idadamay sa pagka bad trip niya ang matanda.
"So. I'll let my daughter decide which manager she wants to train with. But I'll convince her that you are the best choice. "
"Thank you po. Mr. Mckinley makakaasa po kayo that I will train her thoroughly. Kung ako po ang pipiliin niya. But for now." she said. Saka siya tumayo. "Aalis na po ako. "
Mukhang narinig iyon ni Winter dahil saglit siya nitong nilingon. Pati na ang kasama nito, pero nag kunwari siyang hindi niya iyon napansin. She trained her eyes to focus on the elderly man infront of her.
Ngumiti ang matanda sa kanya. "Must you really go early? Why don't you join us for dinner? "
Saglit niyang nilingon si Winter na ngayon ay patay malisyang ibinalik ang tingin sa kausap nito.
Napabuntonghininga siya. Saka niya ibinaling ulit ang tingin sa papa ni Winter.
"I'm sorry po pero----"
Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang cellphone niya. It was Georgina's number. Agad niyang pinatay iyon. Itutuloy niya na sana ang sasabihin niya sa don pero tumunog ulit ang cellphone niya.
"Mukhang gusto ka talagang makausap ng tumatawag sayo? Bakit ayaw mong sagutin hija? "
"S-Sige po. " Saglit siyang nag excuse sa matanda. Lumayo siya saglit dito.
Kumunot ang noo niya. Akala niya ba tapos na sila ni Georgina? Bakit tumatawag pa ito sa kanya? She swiped the answer button. Hindi naman siya ganun kasama para i-ignore ang ex girlfriend.
"Hello Georgina?"
Nagtama saglit ang mga mata nila ni Winter. Mukhang narinig nito ang binanggit niyang pangalan. Blanko na ang ekspresiyon nito habang nakatingin sa kanya. At parang may gumuhit din na pag kainis sa mukha nito. Umiwas siya ng tingin saka tumikhim. Bakit naman ito maiinis sa kanya dahil kay Georgina? Baka ayaw lang talaga siyang makita ng dalaga. Kaya naiinis sa kanya?
"I---I missh yoou.... Babe... Let me eshplain..."
Halata sa boses ni George ang pagkakalasing. Kahit naman nag away sila at nag hiwalay na. She still thinks of George as her friend. Kaya nag aalala siya na lasing ito sa kung saan man.
"George nasaan ka? "nag aalalang tanong niya dito.
"Nasha club.... dito sha.... Mishtic"
"Hintayin mo ako diyan. Wag kang sasama sa kahit sino diyan. Naiintindihan mo ba?"
Narinig niya pa ang pag hagikgik nito. "I won't...... I'll wait for you... "
Ibinaling niya ang tingin sa matandang don. Apology written in her eyes. Tumango naman ito na tila nakakaunawa. Bumaling siya kina Winter dahil kahit papaano ay may manners naman siya. Mag papaalam na din siya sa mga ito.
"I got to go." Nilingon niya ang kaharap ni Winter na lalake. "Nice meeting you."
Ngumiti naman ito. Saka siya tinanguan, but Winter choose to ignore her. Paalis na siya nang tawagin siya ni Winter na ikinabigla niya pa. Sumandal ito sa hamba ng malaking double door. Saka siya tinitigan. "Aalis ka na ba talaga? Are you seriously going to ignore my father's request?"
Kumunot ang noo niya. "I'm sorry pero hindi mo ako inimbitahan di ba? Nakakahiya naman kung sasalo ako ng hindi lahat ng nandoon ay gusto akong makasamang kumain. Tsaka may lakad pa ako."
Hindi niya napigilan ang inis sa tono niya. Ano pa ba ang gusto nito? It was clear that she was ignored.
"Carrie---I"
"Save it. Winter. I've got to go. Hinihintay na ako ni George. "
Hindi niya na ito hinintay na makapagsalita pa. Agad siyang sumakay sa kotse niya at pinasibad iyon sa Mystic Club.
Pagkarating niya doon. She was hit by a sudden nostalgia. It was the same club she used to work. Ikiniling niya ang ulo niya. Kailangan niya nang kalimutan ang dati niyang buhay. She wasn't the Carrie back then.
Hinanap niya na lang si Georgina sa loob nun. Agad niya naman itong nakita dahil naka dukdok ito sa island ng bar.
"George... "tinapik tapik niya ang pisngi nito. "I'm here you've got to wake up because I'm taking you home."
Ilang saglit pa. Nagmulat ito ng mga mata. Ngumisi ito ng makita siya. Saka marahang hinawakan ang pisngi niya. " Carrie.... You're here. I'm not dreaming am I? "
Napailing iling siya. " You're not kaya tara na."
Ngumiti lang ito saka nito ipinulupot ang kamay sa batok niya. Hagikgik ito ng hagikgik habang akap akap niya. Minsan pa nga ay hinahalik halikan nito ang leeg niya.
Hirap man nag patulong na lang siya sa bartender ng club para madala sa kotse niya si Georgina. Then she went to Georgina's condo.
She deposited the woman on the bed. Kumuha siya ng bimpo para punasan ito. Then she proceeded to undress Georgina and wipe all her sweat. Hindi pa siya nakakakalahati nang hatakin siya nito. She was on top, but then, mukhang may lakas pa ito dahil agad silang nagkapalit ng pwesto.
Georgina kissed her neck. She tried to pry her away. Napaungol na lang siya nang sipsipin nito ang leeg niya. Nanghina siya dahil doon. Hindi siya nito pinakawalan at dahil nga lasing ito. Ilang minute pa ang nakalipas naramdaman na lang niya na nakatulog na ito sa ganoong posisyon.
She sighed. Pinagpatuloy niya na lang ang pagpunas ng pawis nito. Gumawa siya ng note para dito. Saka siya lumabas para bumalik sa sariling bahay.
Kinabukasan. Napanganga siya sa nakita sa salamin. Matapos niyang maligo dumiretso siya doon, and she was pissed because Georgina made a hicky on the upper part of her neck. Kahit anong lagay niya ng concealer halatang halata iyon.
"Oh my gosh!"
She smacked her forehead. Ano na ang gagawin niya ngayon?