Pag gising n'ya nasa malambot s'yang kama. Mag-isa lang s'ya sa kama wala si Gab sa tabi. Tumihaya s'ya at liningon ang paligid. Nasa master bedroom s'ya. Kung paano s'ya nalipat dito ay hindi na n'ya maalala sa sobrang pagod siguro n'ya. Marahil binuhat s'ya ni Gab paakyat kagabi. Napangiti s'ya at napayakap ng mahigpit sa unan. Alam n'yang sa mga nangyari sa kanila ng asawa kagabi ay bati na sila, marahil nabawasan na ang galit ng asawa sa kanya. Kasalanan naman kasi talaga n'ya masyadong matigas ang ulo n'ya. Pinagpapasalamat n'yang mahaba ang pasensya ni Gab sa kanya. "I love you, Gab Saavedra," bulong n'ya habang malalim ang ngiti sa mga labi. Marahil nag jogging ang asawa kaya maaga itong bumangon. Weekend ngayon wala itong pasok sa opisina maliban sa bar, at mamayang gabi pa pu