Gab-5

2294 Words
Huminto ang kotse sa isang bar. Kumunot ang noo niya nang makitang sa bar siya dinala ni Gab Saavedra. Lininga niya ang paligid. Isang luxury bar iyon. Hindi siya mahilig sa night life kaya wala siyang idea kung anong klaseng bar ang pinagdalhan sa kanya ni Gab. “Sa bar? Bakit sa bar?” nagtatakang tanong niya kay Gab, matapos nitong patayin ang makina ng sasakyan. “This is my place,” sagot nito at nauna na sa pagbaba. Inis siyang sumunod sa pagbaba rito. Napalabi siya nang makita ang pangalan ng bar. _G.S Bar_. Baka G.S stands for Gab Saavedra. Sinundan niya si Gab papasok sa loob ng luxury bar ni Gab. Hindi niya alam na pati bar pala ay pinasok ng negosyo ng mga Saavedra. Hindi siya nagpupunta sa mga bar. Kahit noon, bahay-eskwela lang siya, at ngayon naman, bahay-trabaho lang siya. At dahil estudyante pa si Glenn ay malimit naman kung mag-date sila at kumain sa labas. Dahil nga busy din ito sa eskwela o kung minsan naman ay ayaw lumabas ni Glenn dahil kulang ang pera nito. Madalas na siya ang gumagastos para sa date nila at hindi iyon problema sa kanya. Naiintindihan niya ang sitwasyon ni Glenn. Isa pa, kapag nakapagtapos naman si Glenn, babawi daw ito sa kanya. Namangha siya pagpasok sa loob ng bar. Maganda at class ang buong paligid, halatang mamahalin at may class. Mukhang pinag-isipan ang bawat detalye sa loob, may kakaibang disenyo sa loob na bumagay sa ambiance nito. Magaling ang architect ng bar. Iyan ang una niyang napuna sa loob ng malaking bar. “Do you like the place?” tanong ni Gab na nasa may bar at kumukuha ng alak. “Is this yours?” tanong niya. At liningon ito. “Yeah,” sagot nito. At lumapit sa kinatatayuan niya bitbit ang dalawang kopita at inaabutan siya ng kopita. “Hindi ako umiinom,” tanggi niya. Hindi naman talaga siya umiinom. Kahit si Glenn ang kasama niya ay hindi siya umiinom. Takot siyang malasing, baka hindi na niya alam ang ginagawa niya pag nalasing siya, baka hindi niya kayang kontrolin ang sarili, although hindi pa naman niya nasubukang uminom. “I thought mahilig ka sa party and wild night?” tanong nito. Nakuha niyang kaya ganoon ang tanong ni Gab sa kanya ay dahil sa unang damit niya kanina. Ganoon kasi sana ang nais niyang ipakitang image kay Gab, para naman madismaya ito sa kanya. Pero parang walang epekto, dahil ang sentro ni Gab ay ang makukuha nitong shares sa kompanya ng mga Saavedra. “Depende sa taong kasama ko,” may inis na sagot niya, sabay hila ng upuan at naupo. “Bakit mo ba ‘ko dito dinala?” tanong niya at lininga ang paligid. Wala pang tao sa loob, halos mga staff lang na naglilinis. Kung sabagay, maaga pa naman. Mamayang gabi pa lang niyan ang mga nagpa-party. “To talk to you,” sagot nito at humila din ng upuan at naupo katapat niya. Pinatong ang mga kopita at alak na bitbit sa bilog na mesa. “Isa pa, para makatipid na rin kaya dito kita dinala,” dagdag nito. “Ikaw magtitipid? Isa kang Saavedra!” sabi niya at pinaikot ang mga mata. “Well, like what I’ve said kanina sa sasakyan,” simula nito at pumormal habang nakatingin sa kanya. Naghihintay naman siya ng sasabihin nito. “May boyfriend ka, right?” tanong nito. Agad siyang tumango. “And I don’t have a girlfriend, but I have lots of girls,” amin nito. Nagtaas siya ng kilay. Wala siyang pakialam kung araw-araw iba ang babae nito. Tulad ng sinabi nito sa kanya kanina na wala itong pakialam kung iba’t ibang lalaki ang samahan niya. “But of course, pareho nating hindi masaway ang mga magulang natin. I saw you, you want to be a perfect daughter for your parents,” litanya nito at tumingin sa kanya. “And you? Sa itsura mo, Gab, kayang-kaya mong sumaway sa Papa mo,” sagot niya. Ang tingin kasi niya kay Gab ay ang tipong hindi mapapasunod ng sino man. At alam niyang kaya nitong sawayin ang kagustuhan ng Papa nito, unlike her. Hindi niya magawang sawayin o saktan ang mga magulang. “To be honest, ayokong sumuway,” sagot nito. Kumunot ang noo niya. “Bakit?” nagtatakang tanong niya. “Well, I like you, eh,” sagot nito. Nagulat siya sa sinagot ni Gab. Anong _like_ naman kaya ang ibig nitong sabihin? _Like_ gawing babae, katulad ng mga girls na tinutukoy nito? “What do you mean you like me?” lakas-loob na tanong niya. “You, you are beautiful, Lianne, sexy too,” mabilis na sagot nito at tinignan siya sa mga mata na tila inaakit siya. Sa dating ni Gab Saavedra ay paniguradong babaero ito, halata sa kilos at pananalita nitong magaling ito pagdating sa babae. Well, sa itsura at katayuan naman ni Gab ay paniguradong walang babaing tatanggi rito. Yung bang tipong masulyapan ka lang, eh bibigay ka na. Isa itong Saavedra kaya hindi na siya magtataka. “I have a boyfriend!” mariing sagot niya at nagtaas ng kilay. Hindi siya dapat madala sa mga salita ni Gab. “Is that a problem?” “Yes! Dahil mahal ko ang boyfriend ko,” mariing sagot niya. Nakita niyang ngumisi ito, ngising nakakaloko. “Do love really exist?” he asked. “Kung hindi mo pa nararanasan ma-inlove, Mr. Saavedra, it doesn’t mean na hindi na ito nag-e-exist.” “Well, why don’t you try me? Who knows, ma-inlove ka rin sa akin.” “What? Never! I have a boyfriend and I love him!” agad na sagot niya. Dahil iyon ang totoo, hinding-hindi siya mai-inlove sa katulad ni Gab Saavedra. Ang mga tulad ni Gab ay ang sakit ng ulo ng mga katulad niya. Ang tipo kasi ni Gab ay mukhang hindi marunong ma-inlove at gumamit ng feelings sa mga babae. Ang tipo ni Gab ay tila panay pakikipaglaro lang sa kama ang alam. At hindi siya ganoong uri ng babae. Hindi siya nakikipaglaro lang. “Never say never, sweetheart!” sabi nito, at naramdaman ang kamay nito na humawak sa kamay niya. Mabilis niyang binawi ang kamay rito. “Never, Gab Saavedra! As in never!” nanlalaking mga matang sabi niya rito. Ngumiti lang ito, tila hindi naniniwala sa depensa niya. “We will see. I’ll give you 2 months to fall in love with me, Lianne, and once na ma-inlove ka sa akin, I will make sure you’ll beg me to take you in my bed,” malisyosong sabi nito. Naningkit ang mga mata niya sa malisyosong sinabi ni Gab at marahas na tumayo mula sa kinauupuan. “How dare you?!” galit na sabi niya at umigkas ang kamay niya para sampalin ito. Pero bago pa man dumapo ang kamay niya sa pisngi nito ay nahuli na ni Gab ang kamay niya. “Bitawan mo ‘ko!” hiyaw niya. Habang mahigpit na hinawakan ni Gab ang kamay niya. Marahas na tumayo si Gab mula sa upuan at halos mabalya ang upuang kinauupuan nito sa marahas na pagtayo nito. “Don’t you dare hit me, Lianne. I will hit you back!” tagis-bagang na sabi nito. Nakaramdam siya ng takot sa uri ng tingin nito sa kanya. Galit ito, tila galit na galit. Marahil dahil nasagi niya ang ego nito. “Bitawan mo ‘ko!” nagtatapang-tapangan na sabi niya at pilit binabawi ang brasong hawak nito. “You will be mine soon, Lianne. I’m Gab Saavedra, remember? What Saavedra wants, Saavedra gets!” litanya nito na may tonong pagbabanta. Kumunot ang noo niya, habang nagpupumilit na mabawi pa rin ang braso mula rito. “Bitawan mo ‘ko sabi, Gab! I don’t care who you are! At wala din akong pakialam kung lahat ng gusto mo ay nakukuha mo! But, you will never get me, Gab Saavedra! I will never be yours!” nanggagalaiting sabi niya rito. “Really?” tuya nito, at marahas siyang hinila sa braso. Bumalya siya sa matigas nitong dibdib. Tumama ang katamtamang laking mga dibdib niya sa dibdib nito. “Ouch,” tili niya. Bago pa niya mahulaan ang susunod na mangyayari ay nagyuko na ng ulo si Gab, at naramdaman bigla ang pagsakop ng mga labi nito sa mga labi niya. Natilihan siya at nanlaban, pilit kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nito at sa paghalik nito sa mga labi niya. Pero ayaw siyang pakawalan ni Gab, na lalong pang dinidiin ang paghalik nito sa kanya, at lalong sinisiksik ang katawan nito sa kanya. She struggles, trying to free herself from Gab’s hands. Pareho silang hinihingal nang pakawalan ni Gab ang mga labi niya. “Bastos ka!” hiyaw niya at muling akmang sasampalin si Gab nang mahuli nito ang kamay niya. “Don’t you dare hit me, Lianne!” banta nito sa kanya, at basta na lang binitawan ang kamay niyang nahuli nito. “Ikaw na ang pinaka-bastos na lalaking nakilala ko, Mr. Gab Saavedra!” nanggagalaiti sa galit na sigaw niya. “I don’t care, Lianne,” sagot nito at tinapunan siya ng masamang tingin. “Makukuha din naman kita. Sooner or later, you will be mine, and you will scream my name in my bed,” sabi nito na tila siguradong-sigurado sa mga sinasabi nito. “I have a boyfriend!” mariing sagot niya. “Your boyfriend doesn’t deserve you, Lianne,” kaswal na sagot nito at naglakad papunta sa may bar. Sinundan niya lang ito ng tingin. “And who deserves me? Ikaw ba, Mr. Saavedra?” tuya niya rito. Habang taas-baba pa rin ang mga dibdib sa galit rito. “Our parents both want us to get married.” “But, I don’t want it!” she said with gritted teeth. Lumapit siya kay Gab sa may bar habang nagsasalin ito ng alak sa kopita. “Hindi n’yo ‘ko mapipilit pag ayaw ko. And like what I just said, I have a boyfriend and I love him so much!” pagdidiin niya kay Gab. “Did he love you too?” tanong nito. Bago nilagok ang alak sa kopita. Hindi siya agad nakasagot sa tanong nito. Alam niyang mahal siya ni Glenn, laging sinasabi ni Glenn na mahal siya nito. At mahal niya si Glenn, nagmamahalan sila. “Of course he loves me!” taas-noong sagot niya. “I don’t buy that, Lianne,” nakangising sagot nito at muling sinalinan ng alak ang hawak na kopita nito. Kumunot ang noo niya dahil tanghaling tapat, tila nagpapakalasing ito sa alak. “Stop drinking, will you!” pigil niya rito. Magmamaneho pa ito mamaya para ihatid siya. “Why? Concern ka?” nakangisi pa ring tanong nito at inalukan siyang uminom. “Hindi ako umiinom kapag hindi ko kilala ang kasama ko!” ismid niya. Pero ang totoo, hindi siya umiinom. “Come on, Lianne, kilala mo ‘ko, of course. Magiging asawa mo ‘ko.” “In your dreams, Mr. Saavedra!” hiyaw niya. “Kung dito mo lang pala ako dadalhin at manonood lang ako sa pag-inom mo, I guess i-uwi mo na lang ako!” “Buong araw tayong magkasama ngayon, Lianne, gaya ng gusto ng Papa mo. He wants me to get to know you, kaya ka niya pinapa-date sa akin,” litanya nito at nakaramdam siya ng hiya. Dahil tila ang Daddy pa niya ang gumagawa ng paraan para sa kanila ni Gab. “Nakilala mo na ‘ko. At worst, hinalikan mo pa ‘ko sa 1st date na sinasabi mo!” taas-kilay na sabi niya. “As if naman na hindi ikaw ang nag-enjoy sa halik na iyon.” “Of course not! Hindi ako kailan man mag-e-enjoy sa halik na galing sa iyo! I will never enjoy a kiss from someone like you, Gab Saavedra. ‘Cause I have a loving boyfriend and—” “Is he a good kisser?” putol na tanong nito sa sasabihin pa sana niya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at binitawan ang kopita. Humakbang ito palapit sa kinatatayuan niya. “Is he a good kisser, huh, Lianne?” he asked again while looking at her eyes. “Why are you asking that stupid question?” tanong niya at nakaramdam ng pagkailang. “Once na maging akin ka, Lianne, ipapakita at ipaparamdam ko sa iyo ang bagay na hinding-hindi mo mararamdaman sa boyfriend mo. I promise to f_ck you until you are senseless and beg me to stop,” litanya nito na naghatid ng kilabot sa buong katawan niya. Naramdaman ang init na gumuguhit sa katawan niya pababa. Mabilis niyang tinulak ito para makalayo ng bahagya rito. “Ikaw na ang pinaka-bastos na nakilala ko!” “Well, I’m sorry, ang bastos na ito ay magiging asawa mo sa ayaw at sa gusto mo,” magaspang na sagot nito. “Never in your wildest dreams, Saavedra!” galit na sabi niya at mabilis na tumalikod at naglakad palayo. “Where are you going?” “Away from you!” hiyaw niya at nagtuloy sa paglalakad palapit sa pintuan. “Lianne!” tawag nito sa kanya at naramdaman ang pag pigil nito sa braso niya nang maabutan siya malapit sa may pintuan. “Ano ba!” hiyaw niya at winaksi ang brasong hawak ni Gab. “We are on a date, baka nakakalimutan mo,” paalala nito. “I’m done here!” galit na sabi niya at sinipa sa paa si Gab. Nagulat ito sa ginawa niya at nabitawan ang braso niya. “Hey!” at tinaas ang paang nasaktan. Napangiwi ito at lihim naman siyang natuwa. “Go to hell, Mr. Saavedra!” taas-kilay na sabi niya at mabilis na naglakad palabas ng bar nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD