Kaagad n'yang tinawag ang piloto para ipahanda ang helicopter. Kailangan makaalis sila ng San Sebastian ng asawa. Hindi ligtas si Lianne dito ngayon. Dadalhin n'ya ang asawa sa Isla, doon alam n'yang ligtas ang asawa at hindi ito malalapitan ni Glenn. Kung nakapag piyansa si Glenn, walang duda na si Debbie ang tumulong rito, at nais nanaman silang guluhin ni Debbie. "Damn it!" Mura n'ya matapos mapagbilinan din ang mga kasambahay sa bahay na ipaghanda ng mga gamit ang asawa. Isasama din n'ya ang dalawang kasambahay para may makasama ang asawa sa Isla habang inaayos n'ya ang problema dito. Kasunod na tumawag s'ya sa kapatid sa Kuya Gavin n'ya. Kailangan n'ya ng security na magbabantay sa Isla pag naroon na ang asawa. Pinaliwanag n'ya sa kapatid ang sitwasyon, kaya naman pumayag ito, at