"Sir Gab, excuse po, kailangan lang po kayo sa loob," tawag ng isang staff sa asawa n'ya. Nakita n'yang napangiti ng bahagya si Debbie na nakaupo sa tabi ni Gab. "Sige, papasok na ko," sagot ni Gab. At hinawakan s'ya sa kamay. "Let's go," anyaya sa kanya ng asawa na hindi man nililingon si Debbie sa likuran nito. "I'll stay here, sige hihintayin na lang kita dito," sagot n'ya sa asawa. Nagpapa-iwan s'ya, dahil baka isipin ni Debbie na hindi n'ya ito kayang harapin kung wala ang asawa sa tabi. Isa pa nais n'yang makausap si Debbie na silang dalawa lang, para masabi n'ya rito na iwasan na ang asawa n'ya at itigil na ang paghahabol nito sa asawa n'ya. "Are you sure?" Bulong ng asawa sa kanya. Ngumiti s'ya sabay tango at hinawakan ang malapad na balikat ng asawa. "I'll wait you here," la