Chapter twenty four STEVE’S POV’S Nagtaka yung mga katrabaho ko kung bakit ako pinatawag kaya nung hapon na ay pinag usapan nila akong lahat, ngumingiti na lamang ako kapag nagtatanong sila kung bakit magkakilala kami ni Christine at bakit malapit siya sa akin. Si Christine na ang bahala magpaliwanag sa kanila. “ Aba bata malakas ka sa HR ah.” “ Hindi naman po.” “ Bakit ka pinatawag sa HR?” “ Nakita ko siya pumasok sa opisina ni president.” “ Oh? Talaga? Halla ka bata? Anong ginawa mo?” “ Wala naman akong ginawa, pinakilala lang ako sa president.” “ Yun lang?” “ Special kase tong bata natin haha.” Ako talaga ang pinakabata sa kanila kaya ganyan ang tawag nila sa akin, kailangan ko rin magsinungaling sa kanila. Sa lahat na lang nagagawa ko ng magsinungaling, hindi na talaga ak